Grab Smartphone Financing Program- Batch 2

Nais ng Grab na magkaroon ka ng mas maayos na booking and ride experience. Dahil dito, kailangan mo din ng mas up-to-date na smartphone na LTE-enabled para sa mas mabilis na internet, at may mahabang battery life para sa araw-araw na biyahe.

Ang Grab Smartphone Financing program ay isang programa ng Grab kung saan pwede kang mag-avail ng Samsung mobile devices na may 0% interest at affordable price gaya ng:


Samsung Galaxy J6+

Samsung Galaxy J8

Samsung Galaxy A7


Mga dapat tandaan:

  1. Ang deductions ay tuwing Monday-Friday lamang sa loob ng 4 months (total of 80 days).
  2. Ito ay ibabawas sa iyong cash wallet or credit wallet.
  3. Ikaw ay makakatanggap ng mensahe mula sa Grab kung kailan at saang Grab Driver Center maaaring pick-up-in ang smartphone unit.
  4. Magsisimula and deduction one week after mong makuha ang telepono.
  5. Kung hindi sapat ang laman ng iyong cash wallet na pambayad sa daily deduction, ang kulang ay ibabawas na lang sa iyong susunod na top-up.
    PAALALA: Panatiling sapat ang laman ng iyong cash wallet. Kapag hindi ka nakapagbayad sa 5 sunod sunod na araw, ididisable ng Grab ang paggamit ng telepono.  
  6. Tuloy ang deduction as long as ikaw ay may outstanding balance. Madi-disable din ang paggamit ng smartphone unit hanggang sa mabayaran mo ang full amount.
  7. Ang programang ito ay nasa trial period pa lamang. Sa ngayon, wala itong repayment fees, ngunit mas mabuting magbayad sa oras upang maging maganda ang inyong track record para sa susunod pang loans.

Kung interesado kang mag-avail nito, hintayin lamang ang text ng Grab sayo kasama ang link kung saan maari kang mag-register para sa smartphone financing program.

Para sa terms and conditions, i-click ang link na ito: SPF TERMS & CONDITIONS

14 Comments

Leave a comment